TUMAAS ng pitong porsiyento ang kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa Metro Manila kumpara noong isang linggo, ayon sa OCTA Research Group ngayong Linggo.
Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David tumaas din ang reproduction number ng 0.79 percent.
“Positivity rate was 1.4% and Healthcare utilization was 21%,” sabi ni David.
Idinagdag ni David na nananatili namang nasa low risk ang NCR sa kabila ng pagtaas ng mga kaso.
Nauna nang nagbabala si David na aabot sa 5,000 hanggang 10,000 kada araw ang kaso ng mga Covid-19 sa kalagitnaan ng Mayo.