UMAMIN ang ilang Chinese medical experts na “mahina” ang mga bakuna na gawa sa kanilang bansa para labanan ang coronavirus disease kung kayat iniisip nitong paghalu-haluin ang mga ito para mas maging mabisa.
“Chinese vaccines don’t have very high protection rates,” pahayag ng direkto ng China Centers for Disease Control na si Gao Fu, sa isinagawang conference nitong weekend.
Ilang milyong mga doses ng China-made na vaccines ang una nang ipinadala ng China sa iba’t ibang bansa, kasama na rito ang Pilipinas, bilang pangontra sa coronavirus disease.
“It’s now under formal consideration whether we should use different vaccines from different technical lines for the immunization process,” pahayag pa ni Gao.
Karamihan sa mga ipinalabas na mga bakuna ng China ay gawa ng Sinovac, isang pribadong kompanya, at Sinopharm na state-owned firm, na idineliver sa iba’t ibang bansa gaya ng Pilipinas, Mexico, Turkey, Indonesia, Hungary, Brazil at Turkey.