Angeline ‘nega’ na sa Covid

NAGDIDIWANG ngayon ang singer-actress na si Angeline Quinto matapos siyang mag-negative sa coronavirus disease sa panibagong swab test na kanyang pinagdaanan.

Sa pinakabagong vlog ni Angeline, ipinakita niya ang negatibong resulta nang pinakahuli niyang RT-PCR test.

“Negative, guys. Thank you, Lord. Puwede na akong lumabas,” chika ng singer sa kanyang vlog.

“Para po sa mga nagtatanong, maayos na maayos na po ako. At dahil rin po ‘yan sa mga tulong niyo, sa mga nagdasal para sa akin. So, sana kayo ay mag-ingat lagi. Ingatan niyo ang sarili niyo guys. Maraming-maraming salamat. God bless you and see you soon,” dagdag pa ng singer.

Nasorpresa rin si Angeline dahil sa dami ng mga well wisher at sa mga regalong ipinadala sa kanya.

Noong March 26 unang sinabi ng aktres na positive siya sa Covid-19.