INIHAYAG ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nabigyan na ng emergency use authorization (EUA) ang Sinopharm na gawang China.
Sa ulat ni Domingo kay Pangulong Duterte, sinabi niya na maaari nang tumanggap ang bansa ng mga donasyong Sinopharm mula sa China.
“Today, we already granted an emergency use authorization to DOH to accept the donations of Sinopharm,” sabi ni Domingo.
Idinagdag ni Domingo na noong Mayo 20, sumulat si Health Secretary Francisco Duque III sa FDA na bukas na ang kagawaran sa pagtanggap ng Sinopharm.
Aniya, nabigyan na rin ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm ng EUA.
Matatandaang Sinopharm ang bakunang ginamit kay Pangulong Duterte.