Digong kinondena pag-atake sa food mission ng AFP

KINONDENA ni Pangulong Duterte ang ginawang pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army sa mga sundalo habang nasa food mission noong Hunyo 5.

“Itong mga ito, wala na’to. They do not have the ideology. Wala na ‘yang silang prinsipyo sa ulo nila. They are there to plunder and to just for the sheer brutality of it all, they want to kill our soldiers,” sabi ni Duterte.

Idinagdag pa ng pangulo na ginawa ang pag-atake sa kabila ng ginagawang pagtulong ng mga sundalo at pulis sa buong bansa.

“So hindi ko maintindihan itong in a pandemic where everybody is in need of food and everything, sa Bisaya pa, I don’t know the Tagalog for the dinadaginot, ‘yong — [Ano bang daginot sa Tagalog?] Parang pati ‘yang mga ganoon na ano maliliit na bagay na hindi dapat gawin, kinakalkal pa rin nila ng away,” aniya.