PANSAMANTALANG magbabawas ng bilang ng mga residenteng tuturukan ng anti-coronavirus vaccines ang lokal na pamahalaan ng Caloocan, Malabon at Valenzuela.
Ito ay bunsod umano nang limitadong suplay ng bakuna mula sa national government.
Dahil dito, suspendido muna ang pagbibigay ng first dose ng bakuna sa Caloocan at nakatuon muna ito sa mga nakatakdang bakunahan para sa ikalawang dose.
Base sa datos as of July 3, 2021, nasa 369,429 residente ng Caloocan ang nakakuha na unang dose ng bakuna.
Suspendido naman ang mga walk-ins na residente sa Malabon para makapagpabakun sa kanilang vaccination sites dahil sa limitadong suplay.
Tanging ang mga tuturukan para sa second dose ang i-eentertain sa limang vaccination sites — Malabon Elementary School, Potrero Elementary School, Ninoy Aquino Elementary School, Epifanio delos Santos Elementary School at Robinson’s Townmall.
Sa Valenzuela City, sinuspinde rin ang vaccination appointment sa lahat ng vaccination site dahil sa kakulangan ng bakuna.
Balik-operasyon lang ito sa sandaling dumating ang mga bagong suplay.