Palasyo may patutsada kay Pacquiao: Sa boksing lang siya magaling

PANIBAGONG patutsada ang pinakawalan ng Malacanang ngayong Martes kay Senador Manny Pacquiao na may nakatakdang laban sa Estados Unidos sa mga susunod na linggo.

“He’s best in the boxing ring, and probably not as good elsewhere,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang paglalarawan sa boxer-turned-politician na si Pacquiao.

Gayunman, nais umano ng pamahalaan na magwagi si Pacquiao sa kanyang magiging laban kay Errol Spence sa Agosto.

“We wish all Filipinos the best of luck in whatever they do best, and pagdating kay Manny Pacquiao, he’s best in the boxing ring, and probably not as good elsewhere,” hirit ni Roque sa press conference.

Kasalukuyang nasa “bakbakan” si Pacquiao kontra administrasyon na dati rin niyang kinabibilangan matapos akusahan ng senador ang pamahalaan ng batbat ng korupsyon.

Giit ni Pacquiao meron siyang mga ebidensiya na magpapatunay na talamak ang korupsyon sa loob ng gobyerno ni Pangulong Duterte.