LABING-APAT na araw na ila-lock down ang isang call center sa Davao City matapos itong makapagtala ng 46 active Covid-19 cases, ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) ng siyudad.
Sinabi ni Michelle Schlosser ng IATF-Davao City na nagdesisyon silang ipasara pansamantala ang tanggapan na matatagpuan sa Evoland dahil parami nang parami sa mga empleyado nito ang nagkakasakit.
Pinuna naman ni Schlosser ang kumpanya dahil hindi ito nagbigay ng komprehensibong listahan ng close contact ng mga nagpositibo nitong kawani.
Sa kasalukuyan ay mayroong 1,381 active cases sa siyudad makaraang maiulat ang 173 na mga bagong kaso noong Biyernes.
–