SINIMULAN ngayong araw ang pagbibigay ng mga booster shot laban sa coronavirus disease sa mga fully-vaccinated healthcare workers.
Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang symbolic vaccination ng booster shot sa mga medical frontliners sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Itinurok ni Duque ang Pfizer-BioNTech Covid-19 booster shot sa NKTI outpatient department head nurse na si Daisy Lopez.
Base sa datos ng National Covid-19 Vaccination Dashboard, may 2,612,478 individuals na kabilang sa A1 priority group ang fully vaccinated.
Ang A1 priority group ay binubuo ng mga healthcare workers at ng kanilang immediate family members at mga palabas sa bansa na overseas Filipino workers.