INIREKOMENDA na ng Vaccine Expert Panel sa Food and Drug Administration (FDA) na payagan ang pagbibigay ng booster shot sa mga edad 12 hanggang 17.
Sinabi ni Vaccine Expert Panel chairperson Dr. Nina Gloriani na isinumite na ang rekomendasyon ng panel.
“May rekomendasyon na rin kaming sinabmit sa FDA. Kaya lang nasa HTAC (Health Technology Assessment Council) pa ulit iyong ating final decision and recommendation especially iyong 12 to 17. Wala pa talaga for the five to eleven…waiting na rin noong pag-aaral pa na additional ng ating HTAC,” dagdag ni Gloriani.
Kasabay nito, muling nanawagan si Gloriani sa publiko na magpabakuna.
“Importante iyan dito sa mga variants na dumadating at sinasabi natin paulit-ulit, hindi pa tayo off the hook… Marami pang mga bansa na tumataas ang kaso, nandiyan lang, malapit lang sa atin although medyo bumababa na rin sila pero nandiyan pa iyong threat,” aniya.