SISIMULAN na sa isang linggo ang pagbibigay ng booster shot sa mga batang edad 12 hanggang 17 matapos itong aprubahan ng Health Technology Assessment Council (HTAC).
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje nitong Biyernes, isinumite na ng HTAC ang rekomendasyon nito para mai-rollout na ang booster shot sa 12-17 age group.
Anya, posibleng ilabas ng Department of Health, sa pamamagitan ng National Vaccination Operation Center (NVOC) ang implementing guidelines ngayong Lunes.
“For the 12 to 17, there is already a recommendation from HTAC for booster. So, they already submitted and we’re just looking at how to have the guidelines … By Monday, we will release the guidelines,” ayon kay Cabotaje.
Sa taya nitong Hunyo 13, tanging May 14.6 milyon indibidwal o kabuuang 26 porsiyento lamang ang nakatatanggap ng kanilang first booster.