UMABOT sa 70 porsiyento ang ibinaba ng mga inbound travelers o sila na nais makapasok sa Pilipinas dahil sa epekto ng pandemya, ayon sa Bureau of Immigration.
“Mababa po ngayon ang number of travelers natin. Nakita naman po natin na during the entire pandemic period, halos mga 70 percent po ang binaba ng dami ng mga pumapasok at mga biyahero sa Pilipinas lalo na po siguro nitong pag-usbong nitong Delta variant,” ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval sa Laging Handa briefing ngayong Sabado.
“Bukod po sa ongoing travel restrictions not just in the Philippines but also in the different countries worldwide, lalo pong bumababa ang ating international travel,” dagdag pa nito.
Samantala, lifted na ang travel ban na inisyu ng Pilipinas sa 10 bansa simula sa Lunes, Setyembre 6.
Ibig sabihin, maaari nang makapasok sa Pilipinas ang mga inbound travelers mula sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, Oman, Thailand, Malaysia at
Indonesia.