PATULOY na bumababa ang bilang ng mga ayaw magpabakuna, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Ito ay matapos na umabot na lamang sa walong porsiyento ang bilang ng mga ayaw magpabakuna sa isinagawang survey noong Disyembre 12 hanggang 16, mas mababa sa 18 porsyento na naitala noong Setyembre 2021.
Anim na porsyento naman ang sumagot na hindi pa nila tiyak kung sila ay magpapabakuna kumpara sa 19 na porsyento noong Setyembre.
Samantala, 50 porsyento naman ang nagsabi na nabigyan na sila ng COVID-19 vaccine; kasama ang 38 porsyento na nabakunahan na ng dalawang dose at 13 porsyento na isang dose.