Batang lalabas sa lockdown di huhulihin pero…

INIHAYAG ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar na hindi aarestuhin ang mga batang lalabag sa quarantine protocols.


Pero, ani Eleazar kakastiguhin ang mga magulang ng mga ito na pinapayagan silang lumabas kahit kalat na ang Covid-19.


“Hindi naman talaga aarestuhin ng PNP personnel ang mga batang lumalabag sa curfew o iba pang quarantine protocols na ipinatutupad sa Metro Manila,” paliwanag ng opisyal.


“Sa simula pa lamang, tuwing nagkakaroon ng violations ang mga kabataan, ang kanilang mga magulang ang kinakausap ng ating kapulisan upang mapangaralan nila ang kanilang mga anak,” aniya.


Dagdag ni Eleazar nikipagtulungan na ang PNP sa Department of Social Welfare and Development kung paano tratuhin ang mga batang lumalabas sa kabila ng pandemya.


“We assure the CHR and the public that it falls within our mandate to care for and protect our children,” aniya.