KINUMPIRMA ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na positibo sa Covid-19 ang kanyang kapatid na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Sa Facebook, ipinost ni Duterte-Carpio ang screenshot ng video call ng kanilang pamilya makaraang mabalitaan na may sakit ang bunsong anak ni Pangulong Duterte.
Maliban kina Baste at Duterte-Carpio, kasama rin sa video call sina Pangulong Duterte, dati niyang asawang si Elizabeth Zimmerman, at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.
“Sa ngayon, via video call muna ang family kumustahan nang malaman naming positive sa Covid-19 si Vice Mayor Baste. Get well soon Vice! Smile,” caption ng alkalde sa picture.
Isa ang Davao City sa itinuturing na Covid high risk areas, kasama ng Cebu City, Cagayan de Oro, General Santos, Makati, Taguig, Iloilo City, Bacolod, Laoag at Mariveles. –A Mae Rodriguez