SINABI ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na papayagan nang makapasok sa bansa ang mga banyaga simula Pebrero 10, 2022 sa kabila ng banta ng Omicron variant.
Sa kanyang briefing, idinagdag ni Nograles na dapat ay sinumulan na ang pagtanggap ng mga turistang banyaga sa Pilipinas noong Disyembre 1, 2021 bagamat hindi itinuloy matapos ang pananalasa ng Omicron.
“Simula February 1, hindi na po tayo magka-classify ng red, yellow at green countries,” sabi ni Nograles.
Idinagdag ni Nograles na pasok sa kautusan ang mga banyaga na galing sa mga bansang hindi na kailangang ng visa.
“Noong IATF Reso 150-A po natin, dapat sinimulan na po natin ito noong December 1, 2021 kung matatandaan ninyo pero sinuspend po natin pansamantala. So, this now will start on February 10… basta fully vaccinated,” ayon pa kay Nograles.