HINDI kailangang bakunado kontra COVID-19 ang mga estudyanteng dadalo sa limited face-to-face classes, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
Sinabi ni Briones na hindi maaaring maging mandatory ang bakuna dahil ang mga magulang ang nagdedesisyon para sa mga bata. Gayunman, iginiit ng kalihim na hinihikayat nila ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
“Hindi required [ang vaccination for in-person classes]. It is voluntary kasi ang parents ang magde-decide niyan. But of course, we would encourage [vaccination],” ani Briones.
Sa 15,000 na dumalo sa pilot phase ng in-person classes, walang nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Briones.
Samantala, iginiit naman ni Briones ang mandatory vaccination para sa mga teaching at non-teaching personnel na pumapasok sa eskwelahan.