BUMABA ng 30 porsyento ang arawang bilang ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research.
Sa pag-aaral ng research group, mula Mayo 9 hanggang 14 ay nasa 1,644 na lamang ang average ng mga bagong kaso kada araw, mas mababa ng 30 porsyento kumpara noong nakaraang linggo.
Ayon pa sa OCTA, bumaba ng 12 sa kada 100,000 ang average daily attack rate sa NCR.
Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nasa 1,131, 467 ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa Covid-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 18, 985 ang mga nasawi at 1,053, 523 ang gumaling.