AstraZeneca ituturok uli sa Pinoy

GAGAMITIN muli ang AstraZeneca sa pagbabakuna sa mga Pinoy na wala pang 60-anyos, ayon sa Department of Health.


Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maglalabas ang kagawaran ng bagong guideline para sa muling paggamit ng AstraZeneca.


“Maglalabas ng isang guideline para sa paggamit ng AstraZeneca to include these different precautions na binigay ng Food and Drug Administration (FDA),” ani Vergeire sa online briefing.


Matatandaang sinuspinde ang paggamit ng AstraZeneca sa mga Pinoy na may edad 60 pababa sa gitna ng mga ulat na nagreresulta ito sa blood clotting sa mga taong may mababang platelet count.


Pero iginiit ng hepe ng Food and Drug Administration na si Eric Domingo na mas maraming magandang dulot ang AstraZeneca vaccine kesa sa panganib.


“Kailangan natin balikan din na napakaliit lang na porsyento ng populasyon na naapektuhan ng mga ganitong klaseng adverse events for AstraZeneca,” ani Vergeire.


Idinagdag niya na walang naiulat na nagkaroon ng blood clot sa mga naturukang Pinoy.