Arjo napositibo sa Covid-19 sa Baguio, iniuwi ng Maynila nang walang abiso


INAMIN ng kampo ng aktor na si Arjo Atayde
na iniuwi ito ng Metro Manila makaraang magpositibo sa Covid-19 habang nagsu-shooting ng pelikula sa siyudad.


Nitong Miyerkules ay inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na umalis ng siyudad si Atayde nang hindi nag-aabiso sa lokal na pamahalaan.


“Positive siya (Arjo) kaso bigla siyang umalis kahapon without our knowledge. He’s claiming siya lang daw ang asymptomatic at ‘yung mga kasama niya iniwan na lang niya. May potential na puwede siyang makahawa ng iba dahil sa ginawa niya,” ani Magalong.


“I’m in touch with him. Binigyan ko lang siya ng instruction na walang lalabas only to find out na iniwan na pala niya ang mga kasama niya,” dagdag ng alkalde.


Sa kalatas, sinabi ng Feelmaking Productions Inc. na masama ang pakiramdam ni Arjo kaya nagdesisyon sila na dalhin sa ospital sa Maynila ang aktor.


“Atayde was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing so it became the mutual decision of Feelmaking Productions Inc., Arjo’s parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical condition, straight to a hospital in Manila on August 17,” ayon sa kumpanya.


Idinagdag nito na inaasikaso na rin ang siyam na crew members na nagpositibo sa Covid-19 at naka-quarantine.


“We have likewise coordinated with the local officials for the necessary safety protocols,” dagdag nito.


Sinabi rin ng production company na nakipag-ugnayan na sila kay Magalong.
“We assure him and the people of Baguio that we will comply with our commitments to the city. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused,” sabi pa nito.


Kahapon ay naiulat na pinaiimbestigahan ni Magalong ang umano’y breach of protocol ng grupo ni Atayde.


“The group was given a permit to stay and conduct its shooting activity since last month with the commitment that they will be staying in a bubble – meaning no one should be going in and out of the city during the duration of the shooting,” aniya.


“However, we found out that there were instances where crew members go home and come back to the city without passing through our triage so they are not tested,” dagdag ng alkalde.


Sinabi rin ni Magalong na hindi tumupad ang grupo sa monthly testing na kanilang napagkasunduan. –A. Mae Rodriguez