SIMULA sa September 16, isasailalim ang Metro Manila sa Alert Level 4 – ang bagong COVID-19 alert level system.
ANO ang ALERT LEVEL 4?
Ito ang ikalawa sa pinakamahigpit na quarantine system na inilatag ng pamahalaan.
Sa ilalim ng bagong lockdown category, ang mga sumusunod ay ipatutupad:
* Bawal lumabas ang mga menor, 65-anyos pataas, individuals na may comorbidities, at mga buntis. Maaring lumabas kung bibili ng essential goods at services, o magtatrabaho sa mga industriyang pinapayagan ng gobyerno.
*Pwede mag-travel (maliban sa mga pinagbabawalang lumabas) sa loob at labas ng mga areas na nasa ilalim ng Alert Level 4, maliban na lang kung ang destnasyon ay may ibang regulasyon na pinatutupad.
* Pwede outdoor exercise, bakunado o hindi, pero hanggang sa kanilang kalye, subdivision o village lang nila.
* Outdoor o al fresco dine-in services ay pinapayagan ngunit hanggang 30 percent capacity lang; dine-in hanggang 10 percent seating capacity at maari lang sa mga fully vaccinated.
* Personal care services gaya ng barbershops, hair spas, nail spas, at beauty salon ay pahihintulutan hanggang 30 percent capacity kung outdoor setting; habang 10 percent kung indoor setting.
* Bawal ang indoor tourist attractions, cinemas, internet cafés, casinos, wedding receptions, gyms, at cosmetic clinics, and the likes remain prohibited under alert 4.
* Religious gatherings maliban sa prusisyon ay papayagan pero limitado lang ang bilang na maaaring papasukin. Misa sa patay (na nasawi hindi dahil sa Covid) ay limitado sa pinakamalapit na pamilya.
*Hanggang 20 percent capacity lang ang mga empleyado sa mga pampublikong tanggapan ang papayagan.
Ano ang granular lockdowns?
Ito ay smaller-scale na uri ng quarantine na ipatutupad sa mga lugar na may mataas na bilang ng COVID cases. Ang standard na tagal nito ay 14 araw.