Curfew sa Metro Manila: 10 p.m. to 4 a.m.

IPATUTUPAD7 ang bagong curfew sa Metro Manila simula September 16 o kung kailan pormal na ilalagay ang rehiyon sa Alert Level 4 para sa pilot implementation ng granular lockdown.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, ipatutupad ang bagong curfew simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw. Kasalukuyang ipinatutupad ang curfew na alas-8 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.

“Ang Metro Manila mayors ay nag-meeting. Nagkaroon po kami ng survey kung pati na rin ang tinatawag na curfew hours ay babaguhin natin dahil ang curfew ngayon ay a las otso ng gabi,” ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos.