SINABI ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na posible nang maipatupad ang Alert Level 2 sa Metro Manila simula Nobyembre 15, 2021 sa harap nang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
“May malaking posibilidad na magiging Alert Level 2 ang Metro Manila dahil maganda na ang ating mga numero. Mababa na ang mga cases sa Metro Manila. Halos ang average na lang ay nasa 1,000, bumababa na,” sabi ni Ano.
Nauna nang nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na panatiliin ang Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR).
“Ang pinakamaganda diyan yung nga yung 85% ng eligible population ay na-attain na ng Metro Manila. So, kung tuloy tuloy pa yan by November 15 magkakaroon na ng possibility na bumaba na ang Alert Level 2,” dagdag pa ni Ano.