Dahil naka-shorts, Chito Miranda di pinapasok sa Tagaytay resto

IBINAHAGI ni Neri Naig, asawa ni Parokya ni Edgar front man Chito Miranda, na hindi pinapasok ang bokalista sa loob ng isang restaurant sa Tagaytay City dahil naka shorts ito.

Sa post ni Neri, ikinuwento niya na kakain sana silang mag-asawa sa isang “bigatin” na restaurant sa Tagaytay City nang hindi sila papasukin.

“Date night with my husband sa Antonio’s. Siyempre para kunware nakakaluwag luwag na talaga kami sa buhay, sa Antonio’s tayo mag-date!”

“Kaso papunta pa lang kami, napabalik kami sa house kase naka shorts si Chito at bawal ang nakashorts.”

“Sabi ni Chito, pakisabi 5k naman ang shorts ko na nabili sa 511 baka pasado na raw yun, haha! Sabi ko magpantalon na sya,” chika ni Neri.

Kwento pa ng “wais na misis,” panay ang pagpapatawa ni Chito habang nasa restaurant silang dalawa.

“While waiting sa order namin, syempre gutom na gutom na kami, tig-half bread ang binigay sa amin. Sinabi ni Chito sa akin, bakit hati tayo sa bread?”

“Ang mahal mahal ng resto, bat nagtitipid daw sa bread? Haha! Tawang tawa talaga ako sa kakengkoyan ng asawa ko!”

Pabiro pa umanong tinanong ni Chito kung pwedeng installment ang bayad nito sa restaurant.

“Pero ang mas epic yung magbabayad na at nakita nya yung bill, inabot ang card at sabay tanong…. pwede installment? Mga 6 months?”

“Napahalakhak talaga ako pati yung staff sa kabilang table natawa na lang. Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga! Buti na lang di ako nae-embarrass sa mga punchlines mo, sobrang tawang tawa lang talaga ako sa ‘yo.”