Alert Level 1 or 2 malalaman sa VDay

SINABI ni Acting presidential spokesperson Karlo Nograles na bukas na ihahayag ang desisyon ng pamahalaan kung magdedeklara na ng Alert Level 1 o pananatiliin ang Alert Level 2 sa Metro Manila.

“Tomorrow pa po announcement. After noontime tomorrow,” sabi ni Nograles.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nangangahulugan ang pagpapatupad ng Alert Level 1 ng new normal.

“Kailangan mayroon po tayong minimal to low risk na case trend…So, mababa lang po siya dapat, ang ating average daily attack rate should be less than seven, dapat po ‘yung ating pong mga health care utilization, ‘yung atin pong paggamit ng ospital nasa low risk din po para maging Alert Level 1 tayo,” sabi ni Vergeire.

Magtatapos ang Alert Level 2 sa Pebrero 15.