SINABI ng Department of Health (DOH) na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang ‘new normal.’
“We are preparing for this so-called new normal. Let us remember that alert level 1 is the new normal in the country,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sinabi pa ni Vergeire, ang mga paghihigpit ay magiging limitado sa mga lugar na may mataas na banta ng impeksyon. Aalisin na rin ang limited capacity sa mga establisyimento, at pampublikong transportasyon.
“What would be retained would be our self-regulation. We still follow the minimum public health standard, we still do masking, we still do handwashing, avoid crowded areas, observe physical distancing, and most importantly, of course, ventilation, airflow,” dagdag pa niya.
Mananatili naman ang pagsusuot ng face mask, ayon sa opisyal.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Edsel Salvana ng DOH Technical Group na panuntunan sa pagsusuot ng mga face mask ay maaaring unti-unting mabawasan.
“Maybe outdoors first before … indoors, and the vulnerable population may possibly hang on to their masks a little longer. And for instance, during long trips in airlines,” ayon kay Salvana.