Alamin: Sino-sino ang pasok sa A4 priority group

NAGPALABAS ngayong araw ng bagong resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) upang klaruhin ang mga sakop ng A4 vaccination priority group.


Ani presidential spokesperson Harry Roque, kabilang sa A4 ang mga sumusunod: pribadong empleyado na kailangang pumasok sa pinagtatrabahuan sa labas ng kanilang tahanan; empleyado ng gobyerno, kasama ang mga government-owned and controlled corporations at lokal na pamahalaan; mga self-employed na kailangang magtrabaho sa labas, at mga nagtatrabaho sa kanilang mga bahay.


Kabilang sa mga aprubado na mabakunahan na sa A4 category ang mga manggagawa sa National Capital Region, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.


Magsisimula ang pagbabakuna sa A4 ngayong Hunyo. –WC