INIHAYAG ngayong araw ng Department of Health (DOH) Region 4A na noong Abril pa mayroong Delta variant ng Covid virus sa Calabarzon.
Ayon kay regional director Eduardo Janairo, mayroong limang kaso ng nasabing variant sa rehiyon, kabilang ang tatlo na naitala sa Cavite at Batangas tatlong buwan na ang nakalipas, at dalawa sa Laguna.
Klinaro naman ng opisyal na hindi local transmission ang naunang tatlo dahil pawang nga overseas workers ang mga ito.
Idinagdag niya na matagal nang gumaling ang tatlo. Dumaan din sila sa quarantine bago pinauwi sa kanilang mga pamilya.
Siniguro rin ng opisyal na walang nahawahan ang tatlo, kung saan isa kanila ay nakabalik na sa trabaho sa ibang bansa, ng nasabing variant.
Samantala, sinabi ni Janairo na ang dalawang bagong kaso ng Delta variant ay mag-ama na taga-Calamba.
Aniya, nagsagawa na ng contact tracing ang kagawaran sa mga nakasalamuha ng mag-ama pero lumabas na negative ang mga ito.