DUMATING sa bansa ang 976,950 doses ng Pfizer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Huwebes ng gabi.
Sinalubong nina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.; U.S. Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava; Asian Development Bank (ADB) Country Director Kelly Bird ang mga bakuna.
Samantala, nagpasalamat ang pamahalaan sa Japanese government sa tatlong milyong doses ng AstraZeneca na donasyon nito.
“These donated vaccines will enable the Philippines to realize its goal of achieving a daily jab rate of 1.5 million doses, and fully vaccinate at least 50 million Filipinos by year end,” sabi ni Galvez.
Inaasahang darating ang karagdagang 1,065,600 doses ng AstraZeneca sa Oktubre 30, 2021.