LJ Reyes pupunta sa Baguio ‘with a friend’

Bukas si LJ Reyes sa posibilidad na pumunta sa Baguio City na may kasamang kaibigan.

Sa panayam sa kanya kamakailan ni Boy Abunda, sinabi ni LJ na pupunta talaga siya sa Summer Capital of the Philippines dahil tagaroon si Paulo Avelino, ang ama ng panganay niyang si Aki.

“Actually po, Paulo Avelino is from Baguio. So, may family dun si Aki. Pupunta talaga kami dun,” ani LJ.

Idinagdag ni LJ, na ngayon ay nasa New York, na isa sa mga favorite places niya sa Pilipinas ang Baguio City.

“I’m proud of Baguio as a Filipino. Maraming pwedeng puntahan doon. Maraming pwedeng kainan,” paliwanag niya.

Matatandaan na inamin ng dating live-in partner ni LJ na si Paolo Contis na nagkita sila ni Yen Santos sa nasabing siyudad noong Agosto para mag-usap.

Iginiit ni Paolo na magkaibigan lang sila ni Yen at itinanggi na ito ang third party sa hiwalayan nila ni LJ.