DUMATING kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ang 780,000 doses ng Pfizer na gagamitin sa pagbabakuna sa mga batang edad limang hanggang 11 sa Lunes.
Personal na sinalubong nina Carlito Galvez Jr., U.S. Embassy chargé d’affaires Heather Variava, US Embassy Acting Deputy Chief of Mission David ‘Chip’ Gamble at iba pang mga opisyal ang mga bakuna na binili sa pamamagitan ng loan mula sa World Bank.
Nakatakdang simulan ang pagbabakuna ng mga batang edad lima hanggang 11 sa Lunes na unang itinakda nitong Biyernes.
Nauna nang sinabi ni Galvez na tuloy ang pagbabakuna sa mga bata sa kabila ng inahaing petisyon ng dalawang magulang sa Quezon City Regional Trial Court para ipatigil ito at ideklara itong unconstitutional.
“However, as far as the national government is concerned, we remain steadfast in our commitment to protect all sectors of society, which include children and other vulnerable groups. As such, we will proceed with the vaccination rollout for the said age group as planned,” sabi ni Galvez.
Aniya, mahigit 100,000 bata ang nagparehistro para magpabakuna.