7-day quarantine sa mga vaccinated na in-bound passengers

HINDI na 14 kundi pitong araw na lamang ang quarantine requirements na ibibigay sa mga bakunadong pasahero na darating sa bansa.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang resolusyon na nagpapaikli sa quarantine period ng mga dumarating sa bansa na nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna.

Inilabas ang IATF Resolution number 9 ngayong Biyernes kung saan sinasabi rin nito na magsasagawa lamang ng swab test sa mga in-bound passengers na may sintomas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan lamang na magpakita ng katibayan na fully vaccinated na ang isang indibidwal para mapaiksi ang kanilang quarantine requirement.

“A fully vaccinated individual must carry his or her vaccination card, which must be verified prior to departure, and must be presented to a Bureau of Quarantine (BOQ) representative for re-verification at the Department of Transportation (DOTr) One-Stop Shop upon arrival in the Philippines,” sabi ni Roque.