69% ng unvaccinated Pinoy takot pa rin sa bakuna

COVID VACCINE

HANGGANG ngayon ay takot pa ring magpabakuna ang 69 porsiyento ng unvaccinated na Pinoy, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2023, nasa 87 porsiyento ng mga Pinoy o 62.6 milyon ang bakunado na kontra coronavirus disease (Covid-19).

Samantala, 13 porsiyento naman ang wala pang natanggap na anumang dose ng bakuna.

“12 percent of unvaccinated adults are willing to get the vaccine, 69 percent are unwilling,” sabi ng SWS.

Base sa survey ng SWS, six porsiyento ang nakakuha na ng unang dose, 57 porsiyento ang nakakuha ng second dose, 17 porsiyento ang nakakuha ng booster at anim na porsiyento ang nakakuha ng second booster.

“32 percent of adult vaccinated with first dose or second dose are willing to get a booster, 44 percent are unwilling,” ayon pa sa SWS.

Samantala, 55 porsiyento na nakakuha ng first booster ang payag na mabigyan ng second booster, at 32 porsiyento naman a g ayaw nang tumanggap ng second booster. Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents gamit ang face-to-face interview.

Matatandaang nauna nang napaulat na tinatayang 50 milyong doses ng bakuna ang itatapon lang dahil sa pa-expire na ang mga ito.