AABOT sa 65 kabataan sa dalawang youth care centers sa Cebu City at Lapu-Lapu City ang nagpositibo sa Covid-19.
Ayon kay Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan, 31 kabataan at isang social worker ang natuklasang positibo matapos i-swab test ang isa sa mga bata.
Ani Chan, karamihan sa mga nagpositibo ay mga batang may edad 9 at 10.
Sa bilang, lahat ay asymptomic maliban sa apat na may ubo. Inaalam pa kung Delta variant ang dumapo sa mga bata.
Napag-alaman na mayroong 63 kabataang nasa pangangalaga ng nasabing youth center.
Samantala, 34 kabataan din ang nagpositibo sa nakahahawang sakit sa kaparehong pasilidad sa Cebu City.
Sinabi ni Councilor Dave Tumulak na nasa edad 13-17 ang may sakit.
Naka-lockdown na ang dalawang youth care centers habang inaalam kung paano nahawa ang mga bata.
sa 65 kabataan sa dalawang youth care centers sa Cebu City at Lapu-Lapu City ang nagpositibo sa Covid-19.