IPINAGMALAKI ni Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na nasa 63 porsyento na o 6.2 milyon residente ng Metro Manila ang fully vaccinated na laban sa coronavirus disease.
Ito ay base anya sa pinaka-latest na datos na naitala ngayong Sept. 17.
Inaasahan na aabot sa 80 porsyento ng kabuuang bilang ng mga residente sa Metro Manila ang magiging fully vaccinated sa kalagitnaan ng Oktubre.
“If we’re looking at one month from now, it could be 79 to 80 percent ng buong kalakhang Maynila,” ayon sa opisyal.
Sa kasalukuyan, may 14,682,000 doses ng COVID-19 vaccines ang nai-administer sa Metro Manila, at 8.4 milyon dito ay first dose at 6.2 milyon ang second dose.