594 pulis magbabantay sa NCR quarantine facilities

AABOT sa 594 ang bilang ng mga pulis na magbabantay sa mga quarantine facilities sa Metro Manila para tiyaking na wala nang mangyayaring quarantine breach.


Ito ang naging tugon ng Department of Local and Interior Government sa utos ni Pangulong Duterte na siguruhin na walang indibidwal na makalalabas habang sumasailalim sa mandatory quarantine.


Ide-deploy ang mga pulis sa 297 na quarantine facilities sa NCR.


Sinabi ni Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na may sapat na pulis para magbantay.


“Kakayanin naman natin ito. Hindi mahirap on the part of the PNP to deploy police officers sa quarantine facilities,” aniya. –A. Mae Rodriguez