Higit 60 MMDA staff, enforcers positibo

MAHIGIT 60 empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority ang nagpositibo sa Covid-19.


Ayon kay MMDA General Manager Don Artes, kabilang sa mga nagkasakit ang mga street sweepers at traffic enforcers.


Naka-isolate na ang mga nasabing empleyado at tine-trace na rin ang kanilang mga close contacts, ani Artes.


Karamihan ng 8,000 empleyado ng MMDA ay bakunado na, ayon sa opisyal, pero nanganganib pa rin ang mga ito sa sakit dahil sa kanilang uri ng trabaho.


“Despite the number of infected employees, MMDA offices are still operational,” dagdag ni Artes.