KUMONTI ang mga health workers na nag-aalaga sa mga pasyenteng may Covid-19 dahil karamihan sa kanila ay nakikipaglaban din sa sakit.
Ayon sa Department of Health, pumalo na sa 15,662 ang kabuuang bilang ng healthcare workers na nagkaroon ng Covid-19 simula noong isang taon.
Sa bilang, 533 ang active cases, 15,047 ang gumaling at 82 ang namatay.
Dumami umano ang nagkakasakit na health workers ngayong buwan dahil na rin sa dami ng mga isinusugod na pasyente sa mga pagamutan.
“From 474 infections in February, we now have a total of 684 from March 1 to March 25,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online press briefing.
Kaya ang apela niya: “Ibigay muna natin ang mga bakuna sa ating healthcare workers because they are the ones primarily affected and the ones most exposed among all of us here in the population.”