5-linggong ECQ sa Metro Manila, fake news

HINDI pa pinag-uusapan ng mga opisyal ng pamahalaan ang posibilidad na palawigin nang tatlong linggo ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.


Ani Trade Secretary Ramon Lopez, fake news at tsismis lang ang kumakalat na balita ukol sa ECQ extension dahil hindi pa ito tinatalakay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.


“Wala pang ganoong usapan. In fact, hanggang August 20 lang ‘yung napag-agreehan,” aniya.


Pinapairal hanggang Agosto 20 ang ECQ sa National Capital Region dahil sa dumadaming kaso ng Covid-19.


Hirit naman ni Philippine Chamber of Commerce and Industry acting president Edgardo Lacson: “Mere mention of lockdown stokes greater fear than the infection from COVID-19. Another five-week lockdown could be the proverbial last straw on the camel’s back. It will wipe out the temporary economic gains we earned in between lockdowns and could stop the momentum of business from moving forward.”