PINAYAGAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11 kontra Covid-19.
Sinabi ito ni FDA director general Dr. Eric Domingo sa Laging Handa briefing.
Aniya bago matapos ang taon ay sisimulan ang pagbabakuna sa 5 hanggang 11.
“It is reasonable to believe that the vaccine may be effective to prevent COVID-19 and the benefits outweigh the known and potential risks,” ani Domingo.
Ayon kay Domingo, ang bakuna ng Pfizer ay may higit sa 90 porsyento na rate na epektibo para sa mga batang may edad na 5 hanggang 11 taon.