TikTok video ni Joshua Garcia record-breaking

UMABOT na sa halos 30 million views ang kauna-unahang TikTok video ng young actor na si Joshua Garcia.

In-upload ni Joshua ang video nitong Lunes kung saan makikita siyang dubbing and grooving sa kanta ni Yung Lean na “Ginseng Strip 2002.”

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 110,000 comments ang video habang na-stitch na ito ng daan-daan TikTokers.

Napag-alaman naman na isang araw mula nang i-share ni Joshua ang video ay napanood na ito nang 10 milyong beses.

Samantala, agad na na-verify ang TikTok account ng aktor at mayroon na itong 1.6 milyon na followers at 3.8 milyon likes.

Nitong Miyerkules ay nasa ikatlong spot si Joshua sa trending topics sa Twitter bunsod ng kanyang TikTok video.