UMABOT na sa 40.5 milyon doses ng bakuna ang naiturok sa bansa sa kabila ng limitadong suplay nito.
Ani vaccine czar Carlito Galvez Jr., naabot ng pamahalaan ang target nito ngayong buwan.
“’Yung inaasahan namin na 40 million administration, ang projection namin is end of September.
Nagpapasalamat po kami kay USec. Myrna (Cabotaje of DOH) and Sec. Vince (Dizon of NTF), dahil talagang nahatak natin na makuha nang mas maaga ‘yung 40 million vaccination” aniya.
Idinagdag ng opisyal na inaasahan ng pamahalaan na aabot sa 20 milyon indibidwal ang magiging fully-vaccinated bago mag Oktubre. –WC