3-linggong hard lockdown ‘di kakayanin-Palasyo

INAMIN ng Malacañang na mahihirapang ipatupad ang tatlong-linggong hard lockdown sa ilang mga lugar sa bansa.


“Sa ngayon po parang hindi po doable ‘yan dahil nakikita naman po natin na ayaw nating lalo pang dumami ang hanay ng mga nagugutom,” ani presidential spokesperson Harry Roque.


“We are aiming for total health, bawasan ang pagdami ng kaso, bawasan ang hanay ng mga nagugutom,” aniya.


Sumampa sa dalawang milyon ang Covid-19 cases sa bansa nitong Miyerkules.


Bunsod nito, inirekomenda ng Department of Interior and Local Government ang pagpapalawig sa mga quarantine restrictions at granular lockdowns para mapigilan ang pagdami pa ng mga kaso.


Pag-uusapan naman ito ng Inter-Agency Task Force bukas, ani Roque.


“Isinasapinal na po ‘yan, so abangan na lang natin. I will make the necessary announcement ‘pag natapos na po,” dagdag niya.