Bong Go umaming lumapit kay Sara, gustong mag-VP

INAMIN ni Sen. Bong Go na lumapit siya kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at inalok na maging vice president nito sakaling tumakbo ang huli na presidente sa susunod na taon.


Ayon kay Go, dumulog siya kay Duterte-Carpio dahil maraming gustong makatandem ang mayor.


“When I learned that there were some aspirants who wish to be Mayor Sara’s VP in case she runs for the presidency, I expressed my willingness to be considered in her list of choices, nagpalista lang din ako,” paliwanag ni Go.


Iginiit ng senador na tapat siya hindi lamang kay Pangulong Duterte kundi maging sa mga miyembro ng pamilya nito.


Aniya pa, gusto niyang tulungan si Duterte-Carpio na patakbuhin nang maayos ang pamahalaan bilang bise presidente nito. Dagdag niya, marami siyang natutuhan sa pagsisilbi sa Pangulo.