SINABI ng Palasyo na nagdesisyon si Pangulong Duterte na hintayin muna ang pagbibigay ng emergency use authorization (EUA) ng Sinopharm kayat nabalam ang kanyang ikalawang dose ng pagbabakuna.
Idinagdag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na personal na pinayuhan si Duterte ng kanyang mga doktor na wag munang magpaturok ng ikalawang dose habang wala pang EUA.
“Some doctors reached out to him and said, ‘Perhaps, you should wait for the EUA.’ And out of respect to our medical frontliners, he complied,” sabi ni Roque.
Noong Lunes, inihayag ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nabigyan na ng EUA ang Sinopharm.
“Ang sabi nga ni Presidente noong inanunsiyo niya na ibabalik niya iyong 1,000, ‘Para wala nang gulo, sige, ibabalik ko na ‘no.’ So that’s the context by which I’m saying that the doctors reached out to him and said, antayin ang EUA,” dagdag ni Roque.