Pacquiao-Duterte magkaalyado pa ba?

HINDI sinagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang katanungan kung itinuturing pa ni Pangulong Duterte si Senator Manny Pacquiao bilang kaalyado.

Ito’y matapos ang naunang pahayag ni Duterte nang sabihan niya si Pacquiao na mag-aral muna bago magpahayag ng kanyang opinyon sa isyu kaugnay ng West Philippine Sea (WPS); na sinagot naman ng boksingero na may karapatan siyang magpahayag ng kanyang damdamin.

Idinagdag ni Roque na wala rin siyang impormasyon kaugnay ng hinihiling na pakikipagpulong ni Pacquiao kay Duterte.

“I will have to consult with the Appointments Office po,” dagdag ni Roque.