TINIYAK ng Department of Health (DOH) na sapat ang suplay ng mga bakuna sa bansa para sa ikalawang booster laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Ito’y matapos aprubahan ng Food and Drug Administration ang ikalawang booster para sa mga senior citizens, immunocompromised at frontline healthcare workers.
“We will not have problems kung mag-second booster or iyong pang-fourth dose. Ang nasa stock natin, marami pa tayong AstraZeneca, Sinovac, and we will have Pfizer and Moderna and a few other donations. Kailangan lang talagang ibakuna iyong ating mga existing vaccine supplies,” ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chair Myrna Cabotaje sa televised public briefing.
Nauna nang sinabi ng pamahalaan na may kabuuang 80 milyong doses ng iba’t ibang bakuna sa bansa kung saan 27 milyon doses ang nakatakdang ma-expire sa Hulyo 2022.
Kinumpirma ng DOH na natanggap na nito ang inamyendahang emergency use authorization mula sa FDA.