Pasyon ng Tao (basahin ayon sa alam na tono ng pasyon)

MADALI lang maging tao
Pagsinilang na sa mundo,
Mula matres ng ina ko
Reproduksyon ng ama mo
Kabahagi ng proseso.

Tayo’y isang inkarnasyon
Ng pagbudhing balagoong
Subalit ang tanong ngayon,
Sa taghirap nating nasyon
Bakit supil sa pag-ahon.

Ang dapat magmalasakit
Lider sanang hindi ganid
Sila pa ang nagtitipid
Sa pagtulong mata’y pikit
Sa katwiran tikom-bibig.

Karaniwang empleyado
O kahit pa isang amo
Magmarangal huwag ego
Sa siklo ng pakitungo
Mahirap magpakatao.