ISINAILALIM ngayong Miyekules ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 28 iba pang lugar sa bansa sa Alert Level 3.
Kabilang sa mga iniakyat Alert Level 3 ay ang Benguet, Kalinga at Abra sa Cordillera Administrative Region; La Union, Ilocos Norte at Pangasinan sa Region 1; Nueva Vizcaya, Isabela at Quirino sa Region 2; Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3; Quezon Province sa Region 4-A; Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4-B; at Camarines Sur at Albay sa Region 5 in Luzon.
Samantala, kasama sa sakop ng Alert Level 3 sa Visayas ang Bacolod City, Aklan, Capiz at Antique sa Region 6; Cebu City at Mandaue City sa Region 7; at Tacloban City sa Region 8.
Kasama sa Alert Level 3 sa Mindanao ang Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; Butuan City at Agusan del Sur in CARAGA; at Cotabato City sa BARMM.
Epektibo ang kautusan sa Enero 14, 2022.