Academic break hiniling sa DepEd

HINILING ng Teachers’ Dignity Coalition sa Department of Education na magpatupad ito ng isang linggong “academic health break” ngayon na patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Layunin ng break na ito na bigyan ang mga guro at mag-aaral na makapagpahinga at makabangon sa panibagong dagok na dala ng pagbugso ng mga kaso ng COVID-19 cases.

“We reiterate our call to provide for at least one whole week of academic health break to give breathing space for teachers and learners alike,” ayon sa kalatas na inisyu ng TDC.